A Travellerspoint blog

ang a.t.m. ko... bow..

06-26-2014

Hirap magtrabaho no? Hindi ba pwedeng kumain, matulog, lumaklak at chumorva ka lang maghapon ng hindi ka kakayod?
Nagulat ako dati sa pinapasukan ko, hiring kame ng maintenance crew. Ano yun? Taga tanggal ng ng taeng hindi binuhusan sa kubeta, taga walis ng mga kalat at chimiaa... in other words, pinagandang janitor! Andaming kaekekan! Dapat at least college level,.. at my note pa.. " or any related course". Hotangnang yan. My course ba para maging full pledge na janitor ka?? Chuchal ah..
Bakit ganon? Mukang kahit saang aspeto, pamantayan na ba nila kung saan at kung ano ang natapos mo? Hindi advantage kung ano yung kaya mong gawin at kaya mong i-contribute. Parang ok lang sa kanila na kahit muka kang tanga sa position mo basta graduate ka or so they say "any related course". Tapos pag nagkatrabaho naman si "juan dela cruz", hindi pa man din memorize ang pin ng atm nya, andun na agad at naka-confine na sa sanlaan. Malakas ding tumiba tong mga pinagsasanlaan na to noh? Imagine nganganga lang sila sa bahay tapos maghihintay ng payday and bongga, sila na ang magwiwithdraw para sayo! SAM_8239.jpg
atm ng katrabaho ko... Hiniram ko muna... Kung tatanungin mo kung bakit hindi yung saken yung piniktyuran ko? Andun, me sakit si atm.. nakaconfine din. Ayaw palabasin ni doc.!
Halos lahat kami dito, magkakaklase ang atm dun sa dakila naming taga withdraw. Hindi ko na nga maalala yung pin ko at parang hindi na rin ako marunong magwithdraw. ehehe..
SAM_8276.jpg
muntik na kong lumapit dyan... promise! pero yung partner kong lukaret ang i-peprenda ko!

me: teh sa susunod wag na tyong umulit ah...

feelingerang levi: ou nga... sayang tubo eh..

pagdating na huling hulog...

feelingerang levi: teh yung atm mo?

me: alam na! ( joyful )
eh yung sayo?

feelingerang levi: ( ngumiti ) alam na!

naihi ako katatawa....

Posted by erichloco 17:31 Archived in Philippines Comments (0)

una sa lahat...

06-25-2014

Tangina!... Napaka inet! tag ulan na pero parang me pahabol pa si summer... lalo akong natutusta sa galit ng tanghaling tapat.. I'm erich. Taray di ba? Artistahin ang dating ng peg.... Erickson sa totoong buhay.. Pang action star ang name. Akala siguro ng tatay ko noon eh sasali ako sa "that's my boy" nung bata ako kaya ganyan. hindi nya alam eh kating kati na kong manood ng Miss Universe..
I'm currently working here in Bulacan na mukang laging me shooting ng panday sa dami ng buhangin, bato at semento as encoder / eklavu / kemper / etc. Bakit eka nyo? Andami naming trabaho dito which is kadalasan eh hindi range ng aming job description. Yung tipo ba na dating pakisuyo lang eh ngayun eh subukan mong wag sundin,... Nungka kang ipasundo kay satanas pag hindi mo ginawa!
Is there something interesting about my blog bukod sa mga kaartehan ko??... WALA...! Just like as I care if you like to read it or not... Gusto mo, gumawa ka din kung naiinggit ka. Ako naiinggit lang ako eh kaya ako gumawa... =)
Wala lang to, kung ano anong trip lang na nangyayari sa akin, sa mga kasama ko o malay mo..... SAU!
READY?... tara... =)
busy ako =)

busy ako =)


sipag ko no? =)

Posted by erichloco 23:29 Archived in Philippines Tagged gay_world Comments (0)

(Entries 1 - 2 of 2) Page [1]